15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bloodletting Activity, isinagawa ng LGU Camalaniugan

Naisakatuparan ng Local Government Unit ng Camalaniugan sa pamumuno ni Hon. Isidro Cabaddu ang isinagawang Bloodletting Activity noong Disyembre 5, 2023.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Desireeh Gracia Casauay-Bulauitan at sa pakikipagtulungan ng Kampana De Malaniug CVR II sa pamumuno ni Hon. Marlon Tenorio katuwang ang Department of Health at National Voluntary Blood Services program ng Cagayan Valley Medical Center.

Nakapagkolekta ng may kabuuang 215 na blood bags mula sa mga blood donors na kalahok mula sa iba’t ibang barangay sa pangunguna ng kani-kanilang Punong Barangay, Rural Health Midwives, BHWs, at BNS, Kampana De Malaniug CVR II, LGU Camalaniugan Employees, SCVI, Samahang Ilocano members, iba pang volunteers, youth leaders at LGBTQIA group.

Ipinapakita nito ang pangunahing layunin na makatulong sa kapwa at isang pagkilos ng pagkakaisa ng mga Camalaniugeño upang makapagligtas ng buhay.

Ang isang blood donor ay palaging magiging life saver! Tunay na ito ang pinakahanga-hangang oras ng taon, ang panahon ng pagbibigay.

Source: Mho-LGU Camalaniugan Cagayan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles