Kahit na hindi naging maganda ang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Carina kasabay ng habagat ay naisakatuparan ang isinagawang blood donation drive ng Rural Health Unit III ng Bayambang, Pangasinan katuwang ang Philippine Red Cross San Carlos City Chapter na ginanap sa Barangay Inanlorenza, Bayambang Pangasinan nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Sa kabila ng ulan, nakapagtala ang nasabing aktibidad ng 29 na donors mula sa 34 kataong nagparehistro. Ang mga kababayan natin na nagbahagi ng kanilang dugo ay binigyan ng munting handog na snacks ng Inanlorenza Barangay Council bilang pasasalamat sa kanilang kabutihan.
Patuloy na magsasagawa ng blood donation drive ang RHU III sa mga susunod na araw. Layunin nito na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at maitaguyod ang kalusugan ng komunidad para sa maunlad at malusog na bagong Pilipinas.