15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

BJMP at DENR Region 2 lumagda ng MOA sa Cagayan

Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Bureau of Jail Management and Penology at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 para sa pagpapanatili at pagpapaganda ng Forest Plantation na nasa Lannig, Solana, Cagayan nitong Hulyo, 22, 2022.

Dinaluhan ang aktibidad ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at BJMP Regional Director Ma. Annie Espinosa.

Sinabihan ni Director Bambalan ang Solana Community Environment and Natural Resources Officer Andres Guiquing na maglaan ng limang ektaryang lupa para sa tree planting activities ng BJMP.

Maliban dito, ang DENR din ang magbibigay ng indigenous tree seedlings sa kanilang bagong partner agency at maglalagay din sila ng fire line upang maproteksyonan ang lugar na kanilang tatamnan.

Nangako din si Director Bambalan na bibigyan ng kanilang departamento ang jail bureau ng technical assistance sa pagpapalaki ng mga kawayan sa pamamagitan ng mechanized at modernized forest nursery sa bayan ng Solana.

Samantala, siniguro naman ng pamunuan ng BJMP na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mapanatili at maprotektahan ang planting site. Dagdag pa ni Director Espinosa, patuloy nilang susuportahan ang tree growing at reforestation activity ng DENR.

Source: DENR Cagayan Valley

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles