Pinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III ang pamamahagi ng mga farm inputs, equipment at fishery paraphernalia sa Baguinay Manaog, Pangasinan, nito lamang ika-16 ng Marso 2025.

Para sa mga magsasaka at mangingisda, sadyang malaking biyaya ang pakikibahagi nila sa corporate farming program ng pamahalaang panlalawigan kaya labis ang kanilang pasasalamat kay Gov. Guico.
Dumalo rin sa programa si Board Member Jerry Rosario at Manaog Mayor Jeremy Agerico Rosario.
Simula nang mailunsad noong 2022 ang Provincial Corporate Farming, lumaki ang kita ng mga magsasaka dahil dumami ang kanilang ani.