15.9 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Biyahe patungo sa Pinsal Falls ng Nueva Ecija, mas pinadali ng DPWH

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay patuloy na nagsisikap na mabigyan ang mga turista ng mas ligtas at mas maginhawang paglalakbay patungo sa Pinsal Falls sa Lupao, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ni Director Roseller A. Tolentino ng DPWH Regional Office 3, ang paggawa ng mga kalsada ay kasalukuyang isinasagawa ng DPWH Nueva Ecija First District Engineering Office upang mapadali ang pagpasok sa dinarayong Pinsal Falls.

Ang pagpapatayo ng mga kalsada sa naturang lugar ay sinimulan noong 2017 bilang suporta sa lokal na pamahalaan ng Lupao sa pagpapaunlad ng Pinsal Falls Ecotourism Park.

Ayon kay Engineer Armando Z. Manabat, Officer-In-Charge, ang DPWH Nueva Ecija First District Engineering Office ay kasalukuyang ginagawa ang 1.23 kilometrong kalsada patungo sa naturang tourist spot.

Ayon pa kay Engineer Manabat, ang mga hindi sementadong seksyon ng kalsada ay inirerekomenda para isama sa DPWH Annual Infrastructure Program para sa taong 2023.

Sa patuloy na pagpapaganda ng mga kalsada sa lugar, hindi lamang sa pagpapaunlad ng turismo ang makikinabang kundi pati na rin ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng mas mabilis na paghatid ng kanilang mga produktong agrikultura sa palengke.

Source: Department of Public Works and Highways

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles