16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Binhi ng bawang, ipinamahagi sa mga Magsasaka ng Narvacan Ilocos Sur

Ipinamahagi sa mga magsasaka ng Narvacan sa Ilocos Sur ang mga binhi ng bawang sa pangunguna ni Mayor Pablito V. Sanidad at Department of Agriculture sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal noong ika-21 ng Oktubre 2024.

Pangunahing mithiin ng aktibidad na palaguin ang produksyon ng bawang sa nabanggit na bayan. Ito ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na gobyerno iangat ang kabuhayan ng mga magsasaka kasabay ng pamamahagi ng mga kinakailangang kagamitan at suporta sa mga magsasaka.

Ipinahayag ni Mayor Sanidad ang kanyang pasasalamat sa Department of Agriculture, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon na tulungan ang mga magsasaka. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya at lokal na gobyerno upang patuloy na maibigay ang suporta sa mga magsasaka, lalo na sa kanilang pangangailangan para sa mga binhi.

Layunin ng aktibidad na suportahan at ipagpatuloy ang mga programa ng administrasyong PBBM na bigyan ng prayoridad sa mga magsasaka na hindi lamang nakatutulong sa kanila kundi pati na rin sa buong lipunan at ekonomiya.

Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles