Naging matagumpay ang isinagawang BIDA Caravan ng DILG na ginanap sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela noong ika-1 ng Abril 2023.
Pinangunahan ang aktibidad nina DILG Secretary Atty. Benhur Abalos Jr. katuwang sina PLtGen Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration at PRO2 Regional Director PBGen Percival A Rumbaoa, kung saan unang isinagawa ang Fun Run sa lungsod at Zumba naman sa Isabela State University Cauayan Campus bilang bahagi ng naturang caravan.
Ipinaliwanag ni SILG Benjamin “Benhur” C Abalos Jr ang objective ng programa sa kanyang pahayag bilang keynote speaker.
Ipinaliwanag din niya ang konsepto ng kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng PBBM administration na naging resulta sa pag-aresto sa mga matataas na personalidad at sa malalaking halaga na nakumpiskang ilegal na droga sa bansa. Pinahayag din niya ang nakaraang huli sa buy-bust operation sa Cordillera kung saan Four Billion Pesos na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska.
Samantala, pinuri din ng Kalihim ang pamunuan ng Police Regional Office 2 na pumangalawa sa ranking nationwide sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program.
Tampok din sa aktibidad ang pamamahagi ng financial assistance sa RPWUDs, kabayaran sa surrendered firearms mula sa dalawang rebeldeng nagbalk-loob sa gobyerno at awarding sa mga nagwagi sa BIDA Mural Competition. Ang naturang art competition ay nilahukan ng sampung paaralan mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon dos.
Pinangunahan din ni Secretary Abalos ang press conference kung saan malayang naipahayag ang mga inquiries ng mga media practitioners ang tungkol sa suliraning ilegal na droga sa bansa at implementasyon ng BIDA Program.
Source: Isabela PPO, PIO