City of Ilagan, Isabela – Pinangunahan ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 ang pag-stock ng mga glass eels sa mga tributaries ng Cagayan River upang matiyak ang sustainable supply ng eel fish resources sa pamamagitan ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program noong ika-8 ng Agosto, taong kasalukuyan.
Dati na ring nagsuplay ang Bureau ng humigit kumulang 91,000 piraso ng elvers o baby eels sa mga natukoy na fish sanctuaries at water tributaries ng Cagayan River sa lalawigan ng Isabela.
Sa tulong ng Provincial Fisheries Office, nagkalat ang mga elvers (Anguilla sp.) sa mga munisipalidad ng San Pablo, Cabagan, Sta. Maria, Sto. Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Gamu, Naguilian, Reina Mercedes, Cauayan City, at Angadanan.
Ang aktibidad ng eel dispersal ay nasa ilalim ng stock enhancement component ng BASIL na naglalayong pataasin ang dami ng populasyon ng wild eel.
Nilalayon din ng programa na mapunan ang mga naubos na stock na dulot ng sobrang pangingisda at iba pang aktibidad ng antropolohikal at natural na kalamidad.
Itinuturing ang mga itim na eel bilang high-value species at mahalagang export commodity sa mga bansang kumukonsumo ng eel tulad ng China, Japan at Taiwan.
Source: BFAR Region 2