12.5 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

BFAR naglunsad ng “Oplan Isda” sa Ilocos Norte

Inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Laoag City, Ilocos Norte ang “Operation Plan” (Oplan) Isda nitong ika- 6 ng Oktubre, 2022 na may layuning mapalago ang kita ng mga lokal na mangingisda at makapagdala ng mas murang seafoods sa mga mamimili.

Ayon sa Senior Agriculturist ng BFAR Ilocos Norte na si Ms Vanessa Abegail Dagdagan, isang reefer van na may lamang mga bangus at medium-sized na hipon mula sa mariculture zone sa Sual, Pangasinan na aabot sa 1,500 metric tons ng isda ang ipinadala sa Office of the Provincial Agriculture-Ilocos Norte para matustusan ang mga fish vendors, gayundin ang mga direktang mamimili na sinamantala naman ng mga mamimili na karamihan ay galing sa Laoag City ang murang halaga ng bangus at hipon na kumpara sa pampublikong pamilihan ay mas mura ng 50-100 bawat kilo.

Ang proyektong ito ay isang interbensyon ng pamahalaan upang mapataas ang produksyon ng isda sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga kooperatiba ng mangingisda at pagpapalaki ng kanilang kita sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay sa kanila sa mga nagbebenta at mamimili na bumibili ng pagkaing dagat sa mas mababang presyo.

Source: Philippine News Agency

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles