16 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Betwagan Bridge: Ang Tulay ng Kapayapaan, sinimulang itayo sa Sadanga

Pormal na sinimulan ang pagpapatayo ng 60.35 metrong haba ng Betwagan Bridge na tinaguriang “Tulay ng Kapayapaan” sa ginanap na ground breaking ceremony sa Fun-ayan, Betwagan, Sadanga, Mountain Province nito lamang Oktubre 27, 2022.

Ang seremonya ay dinaluhan ni Honorable Andres S. Aguinaldo, Assistant Secretary of Reconciliation and Unity bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Dumalo rin sa naturang okasyon ang mga kinatawan ng Regional at Mt. Province Provincial Police Office, Department of Social Welfare and Development (DSWD-CAR) kasama sina Retired General Ramon Yogyog ng Philippine Army at Hon. Mayor Ganggangan ng Sadanga.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Aguinaldo na ang groundbreaking activity ay simbolo ng National Development and Sustainable Peace kung saan ang proyektong ito ay itatayo bilang testamento ng pagtutulungan at mabuting pamamahala.

“Ang tulay ay naglalayon na makatulong na maiwasan ang mga posibleng sitwasyon ng Armed Conflict na dulot ng mga rebeldeng grupo, itaguyod ang rural na pag-unlad sa mga komunidad ng agraryo, pagandahin ang produktibidad at itaas ang kita ng mga magsasaka at mangangalakal at palakasin ang pangkalahatang kapakanan ng komunidad,” ani Hon. Aguinaldo.

Higit pa rito, ang Betwagan Bridge ang pinakamalaking proyektong ibinigay ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) sa Munisipyo ng Sadanga sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program nito dahil sa inisyatibo ng yumaong Mayor Gabino P Ganggangan noong 2020.

Samantala , matatandaang noong Agosto 2015, gumuho ang pagtatayo ng Betwagan Bridge dahil sa pag-apaw ng Chico River na dulot ng pananalasa ng Bagyong Ineng.

Ang muling pagtatayo ng Betwagan Bridge ay mag-uugnay sa mga estratehiko, magbubuklod sa mga lugar ng Sadanga at inaasahang magpapalakas ng lokal na turismo sa Cordillera.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles