Iginawad sa Barangay Cabatacan, Pudtol ang Best Barangay Rabies Program Implementer sa pagdiriwang ng World Rabies Day sa Apayao Eco-Tourism and Sports Complex, Payanan, San Gregorio, Luna, Apayao noong Setyembre 26, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Veterinary Office (PVET) sa pakikipagtulungan sa Provincial Health Office (PHO).
Ginawaran ng Php50,000.00 na premyo ang Barangay Cabatacan, Pudtol, bilang Top 1 Best Barangay Rabies Program Implementer 2024. Nakuha naman ng Barangay Santa Maria ng Flora ang ikalawang puwesto na may Php 30,000.00 at Barangay Panay ng Santa Marcela ang ikatlong puwesto na may Php 20,000.00.
Ang Barangay San Carlos ng Santa Marcela, Barangay Shalom ng Luna, Barangay Caglayan ng Conner, at Barangay Amado ng Pudtol ay binigyan din ng consolation prize na Php10,000.00 bawat isa.
Ang aktibidad na may temang “Breaking Rabies Boundaries” ay nakatuon sa pagpapalaganap ng kamalayan, edukasyon at malawakang kampanya laban sa rabies na naglalayong protektahan ang kalusugan ng mga tao at alagang hayop.