14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Benipisyaryo ng SHIELD Program, sumailalim sa Skills at Livelihood Training

Nagsagawa ang kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) ng “Skills and Livelihood Training” para sa 30 magulang ng mga benepisyaryo ng SHIELD Program sa Rizal, Cagayan noong Oktubre 9-11, 2024.

Ang SHIELD Program o Strategic Helpdesk for Information, Education, Livelihood, at iba’t ibang Developmental Interventions ay naglalayong iligtas ang mga bata mula sa pinakamalalang uri ng child labor sa pamamagitan ng pagbibigay ng komprehensibo at agarang interbensyon sa antas ng komunidad, katuwang ang ahensya ng Department of Science and Technology, Technical Education and Skills Development Authority, at Department of Agriculture sa pagsasagawa ng pagsasanay.

Kasama sa mga itinuro sa mga kalahok ang paggawa ng dishwashing liquid, fabric conditioner, longganisa, tocino, cornik, at iba pang produktong maaaring pagkakitaan.

Ipinakita rin ng lokal na pamahalaan ng Rizal, sa pangunguna ni Atty. Joel A. Ruma, ang buong suporta sa nasabing programa. Agad itong nagtatag ng samahang tinawag na KAMAG-ANAK-ACL o KApatiran ng MAGulang at ANAK-Against Child Labor na kasalukuyang binubuo ng 30 magulang.

Layunin ng samahan na mapadali ang pamamahagi ng tulong mula sa LGU at DSWD FO2 para sa kanilang mga pamilya at isa sa mga pangunahing layunin ng programa ay ang pagsasanay sa kasanayan at kabuhayan ng mga magulang upang matulungan silang magkaroon ng sapat na kita para sa kanilang pamilya, at maiwasan ang sapilitang pagtatrabaho ng kanilang mga anak dahil sa matinding kahirapan.

Source: DSWD RII

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles