13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Benguet Adivay Festival 2022 pormal nang sinimulan

Pinangunahan ni Benguet Governor Dr. Melchor D Diclas ang Benguet Adivay Festival 2022 kaugnay sa pagdiriwang ng ika-122 Founding Anniversary ng probinsya ng Benguet sa Provincial Capitol, Wangal, La Trinidad, Benguet nito lamang Lunes, Nobyembre 7, 2022.

Ang pagdiriwang ay may temang “Benguet Adivay: A People’s Festival of Culture, Nature and the Future.”

Ito ay isang buwan na selebrasyon na magtatapos hanggang Nobyembre 30, 2022. Tampok sa magiging aktibidad ay ang Mr. & Ms. Benguet, Mass Wedding, Trade Fair at marami pang iba.

Ang naturang pagdiriwang ay naglalayong panatilihin, pagyamanin at pangalagaan ang kultura ng lalawigan ng Benguet.

Ito rin ay patunay ng pagkakaisa ng bawat mamamayan ng Benguet tungo sa mapayapa at maunlad na kinabukasan na malayo sa insurhensya, terorismo, krimen at droga.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles