21.1 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Benepisyaryo ng Government Internship Program ng Sudipen, La Union, sumailalim sa orientation

Sumailalim sa orientation ang mga napiling benepisyaryo ng local na pamahalaan ng Sudipen, La Union para sa Government Internship Program (GIP) nito lamang Agosto 18, 2022.

Ang Government Internship Program (GIP) ay isang programa ng Department of Labor and Employment para sa mga tumigil sa pag-aaral at mga nakapagtapos ng pag-aaral subalit walang trabaho.

Nasa 11 na benepisyaryo ang mga mapalad na napili at magtratrabaho sa munisipyo ng Sudipen na magsisilbing katuwang sa mga gawain upang maihatid ang serbisyo sa mamamayan.

Ayon kay Hon. Wendy Joy D. Buquing, Mayor ng Sudipen, La Union, “Marami ang naghahangad at mapabilang sa programa pero iilan lamang at pili ang mga kwalipikado ng mga benebisyaryo sa nasabing programa para magsilbi sa mga kababayan”.

Dagdag pa niya sa mga napiling mga benepisyaryo na mahalin ang trabaho at isapuso ang mga aral na kanilang matututunan sa kanilang pagtratrabaho.

Nagpasalamat din si Mayor Buquing kay Congressman Paolo P. Ortega V ng La Union para sa binigay na pondo sa programa at marami ang matutulungan nito lalo na sa panahon ng pandemya at sa mga naghahanap ng trabaho.

Source: Sudipen LGU

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles