14.8 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Begnas Di Ilocos Sur 2024, ipinagdiwang

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang pagdiriwang ng Begnas Di Ilocos Sur 2024 (cultural festival) sa opening program na ginanap sa San Emilio, Ilocos Sur nito lamang Miyerkules, Oktubre 9, 2024.

Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa upang itaguyod ang pampublikong kamalayan ng mga katutubo at kultura ng komunidad. Itinatampok at kinikilala rin ng pagdiriwang ang tradisyonal na kaalaman bilang isang susi sa pag-unawa sa kalikasan at upang kilalanin ang mga espesyal na hakbang na kinakailangan upang maprotektahan ang mga karapatan ng mga IP or IndIgenous People at mapanatili ang kanilang natatanging kultura at paraan ng pamumuhay.

Dumalo sa naturang programa sina Gov. Jerry Singson, Sangguniang Panlalawigan Members Ben Maggay, Gina Cordero, Elpidio Quines, Candon City Mayor Eric Singson, NCIP Acting Regional Director Atty. Marvin Biligan, DTI Provincial Director Rosario Quodala, ISPPO PD Darnel Dulnuan, Atty. Pablito Sanidad Jr., at mga municipal mayor ng lalawigan.

“Itultuloy tayo nga ayaten ken ipannakkel ti kultura tayo nga Ilocano babaen ti panangibiag dagitoy as ONE BEGNAS, ONE IP, ONE ILOCOS SUR!” (Patuloy nating mahalin at ipagmalaki ang ating kulturang Ilokano sa pamamagitan ng pamumuhay sa kanila bilang ONE BEGNAS, ONE IP, ONE ILOCOS SUR!), ani Gov. Singson.

Source: The Provincial Government of Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles