Tinanggap ng Bayan ng Sanchez Mira ang 18 brand new utility vehicle mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Cagayan Sports Coliseum, Tuguegarao City, Cagayan nitong Marso 6, 2025.
Mabibigyan ng tig-isang sasakyan ang bawat barangay ng nasabing bayan na bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan para sa isang mas maayos na serbisyo sa mga mamamayan.

Pinangunahan ang turn-over ceremony ni Gov. Manuel Mamba na dinaluhan ni Sanchez Mira Vice Mayor Asela Sacramed at iba pang mga opisyales.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Vice Mayor Sacramed sa programang No Barangay Left Behind ng probinsya na malaki ang naitutulong sa mga Cagayano.
Source: Cagayan Provincial Information Office