15.7 C
Baguio City
Wednesday, October 2, 2024
spot_img

Bayan ng Pilar, isinailalim ng COMELEC sa Red Category

Isinailalim ng Commission on Elections (COMELEC) ang Pilar, Abra bilang red category matapos ang insidenteng naganap sa checkpoint na nagresulta ng pagkamatay ng isang body guard ni Pilar Vice Mayor Jaja Dinoso.

Ayon kay Commissioner Aimee Ferolino, Chairperson, COMELEC Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC), ang paglagay sa red caterory ng nasabing munisipalidad ay dumaan sa beripikasyon sa mga ulat sa nabanggit na insidente.

Sinabi din ni Ferolino na ang pagsailalim ng red category ay base sa mga pormal na ulat mula sa mga deputies na nakatalaga sa seguridad sa nasasakupan.

Matatandaan na dati nang nasa ilalim ng orange classification ang nasabing probinsya.

Dagdag ni Ferolino, ang kanilang tanggapan ay nakatakdang maglalabas ng desisyon kung ang nasabing bayan ay isasailalim sa COMELEC Control.

https://www.facebook.com/870757753059605/posts/2547146675420696/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles