19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bayan ng Dinapigue sa Isabela, pormal na idineklarang Insurgency Free

Idineklara na pang ika-11 munisipalidad sa 13 lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Isabela na idineklarang insurgency-free na pinamumunuan ni Municipal Mayor Vicente D. Mendoza, nito lamang ika-5 ng Agosto 2024 sa Eduardo Chakiton Memorial Community Center Barangay Digumased, Dinapigue, Isabela.

Nasa State of Stable Internal Peace and Security at naideklarang Insurgency-Free Municipality ito ayon sa Resolution No. 2024-48 na ipinasa ng Municipal Council noong Hulyo 8, 2024 base sa rekomendasyon ng AFP at PNP sapagkat wala ng naitalang anumang presensya o bayolenteng aktibidad at paghihikayat ng mga makakaliwang grupo sa mga nagdaang taong hanggang sa taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga highlights ng programa ang pagbasa ng resolusyon, mga talumpati mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at sektor ng seguridad, at ang paglagda sa Pledge of Commitment, na muling nagpapatibay sa dedikasyon ng komunidad sa kapayapaan at pag-unlad sa Dinapigue.

Samantala ang Ceremonial Declaration ay dinaluhan nina Vice Mayor Reynaldo Derije, LTC Empizo Angalao (Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army), PMAJ Are-J Caraggayan (OIC, PNP-Dinapigue), at ARDCI Gilbert Guerrero ng National Intelligence Coordinating Agency 2.

Source: PIA Cagayan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles