14.3 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Bayan ng Angadanan, Isabela, ganap nang Insurgency-Free Municipality

Opisyal nang idineklara ang bayan ng Angadanan, Isabela bilang isang “Insurgency-Free Municipality” base sa rekomendasyon ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) na ginanap sa Angadanan Municipal Hall nito lamang ika-1 ng Abril 2024.

Nagpasalamat si Punong Bayan Joelle Mathea S. Panganiban sa pagiging makasaysayang araw para sa Angadanan. Ipinahayag niya ang patuloy na pag-unlad ng bayan at ang mahalagang papel ng maayos na seguridad para sa lahat ng residente. Sinaksihan ito ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan ng Angadanan, mga kasapi ng pulisya at militar, at ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2.

Patuloy naman ang pagbabantay ng kasundaluhan at kapulisan upang tiyakin na hindi na makakabalik ang mga makakaliwang grupo sa lugar. Layunin ng deklarasyon na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng buong bayan.

Samantala, nananawagan ang kasundaluhan at lokal na pamahalaan na bukas ang lahat ang tanggapan ng gobyerno sa mga nagnanais na magbalik-loob at huwag mag-atubiling lumapit sa pinakamalapit na barangay, munisipyo o istasyon upang matuldukan na ang insurhensiya upang magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Source: 5th Infantry “star” Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles