17.1 C
Baguio City
Tuesday, March 4, 2025
spot_img

Bayan ng Alcala, Cagayan, tumanggap ng 25 bagong sasakyan

Muling namahagi ng mga bagong utility vehicle si Cagayan Governor Manuel Mamba sa mga sakop na barangay sa lalawigan na ginanap sa Cagayan Sports Coliseum, Tuguegarao City nito lamang ika-1 ng Marso 2025.

Nasa 25 barangay mula sa bayan ng Alcala ang tumanggap ng sasakyan na dinaluhan ng lahat ng Barangay Captains ng nasabing bayan.

Binigyang diin ni Gob. Mamba sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng direktang pagbibigay ng tulong sa mga barangay upang mapalakas ang kanilang kakayahan sa pamamahala at serbisyo publiko.

Aniya, sa pamamagitan ng direktang pagtutok sa mga barangay ay mas nagiging epektibo at mas mabilis ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga Cagayano.

Sinabi pa niya na ang barangay ang unang tinatakbuhan ng mga tao sa oras ng pangangailangan, kaya marapat lamang na mayroon silang sapat na kagamitan at kakayahan para tugunan ang anumang uusbong na sitwasyon.

Source: CPIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles