Nagsagawa ng Basic Tour Guiding Training ang mga kawani ng Cagayan Tourism Office sa mga empleyado ng Provincial Government of Cagayan sa Cagayan Provincial Capitol, Alimanao Hills, Peñablanca, Cagayan noong ika-8 ng Abril 2024.
Itinampok sa aktibidad ang pagtalakay sa pinagmulan ng pangalan ng ilang gusali o lugar sa Kapitolyo ng Cagayan, gayon din ang mga historical background at kung kailan ito naitayo o nadiskubre kabilang ang kultura at tradisyong ipinagmamalaki sa probinsya at iba pang mga impormasyong maaaring ibahagi sa mga bisita.
Samantala, ibinahagi rin sa naturang aktibidad ang mga katangian at kasanayan na dapat taglayin ng isang epektibong tour guide upang agad na makuha ang atensyon ng bisita at makapagbahagi ng mga mahahalagang impormasyon.
Layunin ng pagsasanay na ito na mas mabigyan pa ng tamang kaalaman ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na magsisilbing gabay para sa mga turistang magtutungo sa kapitolyo ng Cagayan at maisulong at mapaunlad ang sector ng turismo sa lalawigan upang makilala ang iba’t ibang mga pook pasyalang ipinagmamalaki sa probinsiya.
Source: CPIO