14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Barangay Social Media Training, inilunsad sa Alaminos City, Pangasinan

Alaminos City, Pangasinan – Matagumpay na inilunsad ng City Information Office ang Barangay Social Media Training nito lamang Setyembre 2, 2022 na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan.

Nilahukan ng 39 na representante ng barangay ng siyudad ang nasabing training kung saan ibinahagi sa kanila ang mga Social Media Guidelines, Captioning/Writing, Setting-Up Social Media Page at Basic Photography at photo editing na kanilang magagamit bilang mga facebook managers ng kanilang barangay.

Nagbahagi ng kaalaman bilang mga tagapagsalita sina City Information Officer Melinda Karla Baylon, CGADH Venus Balgua, Administrative Aide 1 Mr. Joseph Palazo at Administrative Aide Mr. Mico Molina.

Binigyang diin ni City Information Officer Melinda Karla Baylon ang layunin ng aktibidad sa kahalagahan ng social media sa information dissemination sa ating mga kababayan.

Samantala, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at suporta si City Mayor Arth Bryan C. Celeste gayundin si City Vice Mayor Jan Marionne Fontelera na nirepresentahan ni Executive Assistant II Aura Jyny Villena sa mga dumalo sa nasabing aktibidad.

Source: LGU-Alaminos City

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles