13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Barangay People’s Day, isinagawa sa Tuguegarao City, Cagayan

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo para sa mga residente ng Libag Norte at Libag Sur ang pamahalaang lokal ng Tuguegarao sa ginanap na Barangay People’s Day sa Tuguegarao City, Cagayan nitong Sabado, ika-11 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que ang naturang programa katuwang ang iba pang partner agency na kinabibilangan ng PSA, Pag-ibig, Philhealth, COMELEC, DTI, Cagelco, MTWD, PNP, BFP at LTO para sa driver’s license application at renewal.

Binigyang diin ni Mayor Maila ang klase ng gobyernong kaiyang ipinapatupad na Serbisyong Nakikita, Nadarama at Maaasahan, gaya ng konstruksyon ng drainage, concreting ng mga daan at pagpapatayo ng ilang silid-aralan sa paaralan sa kanilang barangay.

Samantala, kasabay ng nasabing programa ay ang paggawad ng Department of Agriculture sa pamamagitan ni City Agriculturist Dr. Evangeline Calubaquib sa tatlong barangay sa Eastern ng Certified Rice Seeds bilang suporta sa Rice Competitiveness Enhancement Fund-Seed Program para sa Cropping Season ngayong 2024 sa pakikipagtulungan sa DA-PhilRice.

Gayundin ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program mula sa Excess Tariff Collection ng Rice Importations ng Department of Agriculture para sa 13 barangays ng Lungsod.

Nagpasalamat naman ang mga residente ng naturang barangay na siyang benepisyaryo ng programa ng lokal na pamahalaan.

Layunin nito na ilapit ang tulong sa mga residenteng hindi kayang tugunan ang pang araw-araw na gastusin.

Ito rin ay nagpapahiwatig ng matibay na ugnayang gobyerno at komunidad tungo sa mapayapang lipunan.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles