14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Barangay People’s Day, isinagawa ng Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ang Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao sa idinaos na Barangay People’s Day para sa mga residente ng Barangay Gosi Sur at Gosi Norte sa Gosi Elementary School Gymasium noong Hunyo 29, 2024.

Ito ay pang-siyam na Barangay People’s Day ngayong taon, kung saan muling ibinaba ng LGU ang mga pangunahing serbisyo tulad ng medical, dental, optical, free notarial at legal consultations, civil registration, pamamahagi ng mga assorted vegetable seeds at mga seedlings, livelihood assistance application, libreng gupit, masahe, pedicure at manicure, financial assistance, zoning at locational clearance, business registration at payment of taxes, animal vaccination, at iba pa.

Bukod sa mga serbisyo mula sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panglungsod, kasama rin ang mga ahensya ng Philippine Statistics Authority (PSA), Metropolitan Tuguegarao Water District (MTWD), CAGELCO, PAG-IBIG, DTI, at mga myembro ng kapulisan ng Tuguegarao at Bureau of Fire Protection.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina City Councilor Arnel Arugay, City Councilor Ronald Ortiz, City Councilor Grace Arago, kasama ang mga department/unit heads at iba pang empleyado ng LGU Tuguegarao.

Kasabay nito, masayang nagpasalamat sina Punong Barangay Gloria Exclamador at Punong Barangay Victor Blancad sa pamahalaang lokal sa pamumuno ni Mayor Maila sa mga ibinabang serbisyo para sa kanilang mga residente.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles