Matagumpay na idinaos ang Barangay People’s Day sa Barangay Pengue-Ruyu , Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-22 ng Marso, 2025.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario Ting-Que ang aktibidad na nagbigay ng iba’t ibang serbisyo para sa mga residente.

Kabilang sa mga pinilahan ng mga residente na mga ibinabang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao ang serbisyong medical distribusyon ng mga assorted seeds at seedlings, food packs, libreng gupit, pedicure at manicure, naroon din ang ilang tanggapan na katuwang ng LGU gaya ng BFP, PNP, DTI, CAGELCO 1, MTWD, PSA, PAGIBIG, at PhilHealth.
Nagpasalamat naman ang Punong Barangay na si Hon. George Pagunuran sa pagbababa ng mga pangunahing serbisyo para sa mga residente ng Barangay Pengue-Ruyu.
Sa pagtatapos ng Barangay People’s Day, lubos na ipinahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Tuguegarao ang kanilang patuloy na pagsisikap na maihatid ang mahahalagang serbisyo sa bawat residente. Ang aktibidad na ito ay patunay ng mas pinaigting na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mamamayan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Source: Tuguegarao PIO