15.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Barangay People’s Day, dinagsa sa Tuguegarao City

Dinagsa ang isinagawang Barangay People’s Day na idinaos sa Barangay Bagay, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-20 ng Abril 2024.

Pinangunahan ni Governor Manuel Mamba, katuwang ang dating Chief PNP Edgardo “Egay” Aglipay na nagpakita ng suporta sa programa ng LGU Tuguegarao at dating Congressman Randy Ting, kasama sina CAGELCO Director Henry Bucayu, City Administrator Juanito Calubaquib, City Councilor Arnel Arugay, City Councilor Grace Arago, mga department, unit heads at mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod ang aktibidad.

Pinilahan ang serbisyong medikal, free notarial at legal consultations, civil registration, pamamahagi ng mga assorted vegetable seeds, mga seedlings, livelihood assistance application, libreng gupit, masahe, pedicure at manicure, financial assistance, zoning at locational clearance, business registration at payment of taxes, animal vaccination, at iba pa.

Sa nasabing programa, muling ipinaalala ni Mayor Maila Ting-Que na makiisa ang bawat isa sa programa ng LGU Tuguegarao gaya ng Aso Mo, Tali Mo at No Segregation, No Collection, upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lungsod.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng nabanggit na barangay sa matagumpay na pagdaos ng Barangay People’s Day para sa kanilang mga residente.

Layunin ng Barangay People’s Day na ibaba ang mga serbisyong handog ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan na maipaabot sa mga residente ng bawat barangay sa lungsod.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles