14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Barangay Operations Center sa San Nicolas Pangasinan, pinasinayaan

Binuksan na sa publiko ang Barangay Operations Center sa Brgy. Malico, San Nicolas, Pangasinan, bilang bahagi ng estratehiya para sa higit na epektibong disaster preparedness and response.

Ito ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office ng Pangasinan Provincial Government.

Sa naganap na aktibidad ay nagkaroon ng ribbon cutting kasama ang Sangguniang Panlalawigan members sa pangunguna ni Vice Governor Mark Ronald DG Lambino at Board Members, BM Salvador ‘Dong’ Perez at BM Noel Bince bilang kinatawan ng 6th District ng Pangasinan.

Kasama rin ang mga kawani ng bayan ng San Nicolas, Mayora Alicia L. Primicias-Enriquez, Vice Mayor Alvin Bravo at mga Konsehal.

Nagbigay suporta rin sina Mr. Melicio “Ely” F. Patague II, Provincial Administrator; Col. Rhodyn Luchinvar O. Oro (Ret.), PDRRMO; Atty. Baby Ruth Torre, Provincial Legal Officer; Provincial Engr. Amadeo B. Veras; Provincial Accountant Marlon C. Operaña; at PNP Provincial Director ng Pangasinan, PCol Jeff Fanged.

Sa kabila ng lahat ng naitulong ng mga namumuno sa San Nicolas, Pangasinan para sa kanilang nasasakupan, nangangako ang mga ito na hindi sila titigil at kanilang patuloy na ilalapit ang serbisyo sa mamamayan.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles