17.6 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

Barangay Nutrition Scholars ng Lungsod ng Batac, Ilocos Norte, sumailalim sa libreng pagsasanay

Sumailalim sa Libreng Pagsasanay ang Barangay Nutrition Scholars ng Lungsod ng Batac, Ilocos Norte na nagsimula nito lamang Abril 12 hanggang 14, 2023.

Ayon kay Hon. Windell D. Chua, Vice Mayor ng Batac, Ilocos Norte, ang limang araw na pagsasanay para sa 46 BNS na isinasagawa sa Kalipi Training Center ng nasabing lungsod.

Ayon pa kay Hon. Vice Mayor Chua, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang dumalo sa pagbubukas ng naturang programa na pinangasiwaan ni Lovely Alibuyog, City Nutrition Officer, kasama ang mga resource person mula sa Provincial Nutrition Office at Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC).

Ang deployment ng BNS sa bawat barangay ay ipinag-uutos ng Presidential Decree 1569 at ikinokonsidera bilang volunteer workers.

Ito ay taunang isinasagawa para mapalakas ang kakayahan ng ating Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa kanilang mandato na iugnay ang mga komunidad sa nutrisyon at mga kaugnay na serbisyo.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Batac ay nagsasagawa ng pagsasanay sa pagpapahusay ng kakayahan na nakatuon sa Basic Course para sa BNS at Pamamahala sa Acute Malnutrition. Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles