19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Barangay Health Workers sa Pangasinan, nagtapos ng Standard First Aid and Basic Life Support Training

Alaminos City, Pangasinan – Nagtapos ngayong araw ang mga Barangay Health Workers sa isinagawang apat na araw na Standard First Aid and Basic Life Support Training sa Alaminos City, Pangasinan nito lamang Oktubre 31, 2022.

Pinangunahan ng Philippine Red Cross Safety Services, National Headquarters Field Representative Adrian Joseph Arcilla ang naturang pagsasanay.

Bahagi ito ng mandato ng kasulukuyang administrasyon na magkaroon ng first aider sa bawat barangay dito sa siyudad para sa lalong pagpapanatili ng ligtas na pamayanan.

Naging matagumpay ang pagsasanay na ito sa pagtutulungan ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ng CDRRMO na pinangunahan ni Ms. Mylene O. Manalastas at ng Philippine Red Cross-Alaminos City Western Pangasinan Chapter na pinangangasiwaan naman ni Chapter Administrator Maricon B. Dawang.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles