21.6 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Bantay Watch Tower at Parish of Saint Augustine of Hippo, mga Pamosong Tourist Destinations sa Ilocos Sur

Naging viral kamakailan ang Watch Tower na matatagpuan sa Bantay, Ilocos Sur na kung saan nakuhanan ng video ng isang netizen sa kasagsagan ng lindol noong ika-27 ng Hulyo, 2022.

Katabi ng Bantay Watch Tower ang Saint Augustine Parish Church o mas kilala bilang Bantay Church ay isa sa mga pamosong dinarayo ng mga turista sa probinsiya ng Ilocos Sur.

Ang Saint Augustine Parish Church ay nakatuon kay St. Augustine ng Hippo at kilala rin bilang Shrine of Our Lady of Charity o Shrine of Nuestra Señora dela Caridad. Dito rin nakatira ang milagrosong imahe ni Birhen Maria bilang Our Lady of Charity na kinoronahan ng Santo Papa bilang patroness ng Ilocandia noong January 12, 1956.

Ang luma at makasaysayang kampanaryo ng Simbahan o mas kilala sa tawag na Bantay Tower ay nagsilbing tore ng mga tagabantay kontra sa mga pirata noong panahon ng Kastila na siyang nagbigay ng pangalan sa munisipyong kanyang kinatatayuan ngayon. “Bantay” na ang ibig sabihin ay guwardiyahan.

Ang simbahan na itinatag noong 1590 ay isa sa mga pinakalumang simbahan sa Ilocos Region. Noong ikalawang digmaang pandaigdig ay nasira ang simbahan ngunit sinimulan itong ayusin noon 1950. Ibinalik ang dati nitong harapan ngunit nilagyan ng disenyong Neo-Gothic na hinaluan ng mga pseudo-Romanesque na materyales at elemento. Ito ay dinisenyo upang maging engrande at nakapagpapaalaala sa arkitektura ng Espanyol. Ginamitan ito ng mga materyales tulad ng ladrilyo at putik.

Ang nakatayong kampanaryo sa tuktok ng burol ay matatanaw ang berdeng pastulan at ang lalawigan ng Abra. Ginamit ito bilang isang tore ng mga bantay para sa pagsalakay ng mga pwersa ng kaaway noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa estratehikong lokasyon nito. Ang Bantay Church at Bell Tower ay nagsilbing saksi sa iba’t ibang kalupitan at pag-aalsa ng Lalawigan ng Ilocos Sur.

Source: Bantay, Ilocos Sur Tourism

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles