20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Bangui Windmills sa Ilocos Norte

Ang Bayan ng Bangui ay isa sa  ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 15,019 sa may 3,534 na kabahayan. Sa bayan ng Bangui matatagpuan ang pinakaunang windmill farm na gumagawa ng kuryente sa bansa.

The Bangui Wind Farm

Ang Mga Molino ng Bangui o higit na kilala bilang Bangui Windmills ay bahagi ng NorthWind Bangui Bay Project ng NorthWind Power Development Corporation, isang independent power producer o IPP.

Ang molino o windmill ay isang gusaling nagsisilbing makina na tumatakbo sa pamamagitan ng hangin. Maaaring magsilbi itong kiskisan ng mga butil na ani sa bukid, tagabomba ng tubig o maaari rin namang baguhin nito ang katangiang kinetiko ng lakas ng hangin at gawin itong elektrisidad sa tulong ng generator. Ang huli ang uri ng mga molino na itinayo sa Munisipyo Bangui, Hilagang Ilokos. Isang pinanggagalingan ng renewable energy ang mga molino at bukod dito ay nakatutulong sa pagbabawas ng greenhouse gases sa atmospera dahil sa hindi paggamit ng mga ito ng fossil fuel at nakatitipid din ang Northwind sa natipid na fossil fuel kung kaya’t mas mababa ang singil nito sa kuryente kaysa sa ibang IPP.

Panunulat ni Karding

Source: https://fil.wikipilipinas.org/view/Bangui_Windmills?fbclid=IwAR1UcLK5veAqNVVEGxBzLbeLJqlEdB85fV8VKDBeMFS4gqGzVuC3tIzy8gY

https://fil.wikipilipinas.org/view/Bangui_Windmills?fbclid=IwAR1UcLK5veAqNVVEGxBzLbeLJqlEdB85fV8VKDBeMFS4gqGzVuC3tIzy8gY
https://fil.wikipilipinas.org/view/Bangui_Windmills?fbclid=IwAR1UcLK5veAqNVVEGxBzLbeLJqlEdB85fV8VKDBeMFS4gqGzVuC3tIzy8gY
https://fil.wikipilipinas.org/view/Bangui_Windmills?fbclid=IwAR1UcLK5veAqNVVEGxBzLbeLJqlEdB85fV8VKDBeMFS4gqGzVuC3tIzy8gY

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles