Isang babae ang natagpuang patay sa Brgy. Tabora, Trancoville, Baguio City nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Patuloy pa ang pagkakakilanlan ng mga awtoridad sa biktima.
Nabatid na walang damit pang-ibaba, nakasuot ng puting croptop na damit at itim na bra.
Nakatali ang mga kamay at bibig ng biktima gamit ang tape, at may nakataling sinturon sa kanyang leeg.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng krimen.