Nahukay ang mga bangkay ng apat na lalaking nawawalala noong kasagsagan ng lindol matapos ang isinagawang search and retrieval operation ng PNP at BFP sa Sitio Cayaddacad, Brgy. Poblacion, Luba, Abra bandang hapon ng Biyernes, Hulyo 29, 2022.
Ayon sa ulat, ang apat na indibidwal ay natabunan ng gumuhong lupa noong niyanig ng 7.3 magnitude na lindol ang probinsya ng Abra noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 27, 2022.
Kinilala ang mga biktima na sina Mar B. Barreyro, 38; Louie B. Dining, 21; Jack B. Gamengan, 17; at Angelo A. Badi, 15.
Ang kanilang mga labi ay naiturn-over na sa kanilang mga pamilya para sa maayos na libing.