Patay ang isang indibidwal at isa naman ang kritikal matapos maaksidente sa banggan ng mga sasakyan sa Marcos Highway, Salpang, Taloy Sur, Tuba, Benguet nito lamang gabi ng Disyembre 18, 2023.
Batay sa imbestigasyon ng Tuba PNP, ang pampasaherong Nissan Van, Toyota Fortuner at Ford-ranger ay parehong binagbagtas pababa and kalsada ng Marcos Highway nang mawalan ng preno ang Nissan Van na nagdulot ng banggaan ng mga nasabing sasakyan.
Ang nasabing van ay may lulan ng 14 na pasahero na kinabilangan ng isang namatay, sugatan naman ang isa na nasa kritikal na kondisyon.
Ang iba pang pasaherong nasaktan ay agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital.
Habang ang drayber ng nasabing van ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.
Patuloy ang panawagan ng Tuba PNP sa lahat ng motorista na mag doble-ingat at palaging sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang aksidente sa daan.