Ang Banaoang Pump Irrigation System (BPIS) na matatagpuan sa Brgy. Boquig, Bantay, Ilocos Sur ay nagbalik operasyon nitong Setyembre 1, 2022 matapos ang isang buwang pagpapaayos sa nasirang bahagi nito.
Matatandaang ang BPIS ay napinsala ng 7.0 magnitude na lindol noong ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan, kung saan ang bahagi ng main canal nito ay napinsala.
Ang BPIS ay binisita ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator, Benny Antiporda at sinigurado na matatapos ang pagsasaayos sa nasabing dike sa loob ng 45 na araw, ngunit ito ay natapos sa loob lamang ng 30 araw.
Ang mga magsasaka ay lubos ang pasasalamat sa mabilis na aksyon ng gobyerno sa pagsasaayos sa nasirang bahagi ng BPIS.
Ang ating gobyerno ay patuloy na gagawa ng agarang solusyon sa anumang suliranin ukol sa mga imprastraktura na napinsala ng mga kalamidad.
Source: PIA Ilocos Sur