Pinangunahan ni Hon. Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor ng Isabela at Director General ng 2024 Bambanti Festival ang ribbon cutting para markahan ang pagbubukas ng Bambanti Village Agri-Ecotourism Exhibit and Sale sa Isabela Provincial Capitol Compound nito lamang ika-23 ng Enero 2024.
Ipinahayag nito ang kanilang paraan upang makapagpasalamat sa lahat ng mga biyaya at pagsalubong sa mga panibagong paghamon. Ayon din kay Sangguniang Panlalawagan Hon. Adrian Phillip Baysa, Chairman ng nasabing aktibidad, ay lumalabas ang galing at pagkamalikhain ng bawat Isabeleño sa paggawa ng iba’t ibang produkto na syang ibinebenta sa mga turista at namamasyal sa probinsya
Dinaluhan din ng mga opisyales ng iba’t ibang sektor ang seremonya kabilang na dito si Tourism Regional Director, Troy Alexander G. Miano, Provincial Board Members, City and Municipal Mayors at kanilang Vice Mayor at Sangguniang Panlungsod/Bayan members, at iba pang mga iginagalang na lokal na opisyal, na pawang nag-aambag sa maligaya na kapaligiran ng Bambanti Village.
Ang kaganapang ito ay isang linggong masiglang ipinagdiriwang, na nagtataguyod hindi lamang ng lokal kundi ang yamang taglay na agrikultura sa probinsya
Sinimulan ang seremonya ng isang serye ng mga nakakaengganyong aktibidad at eksibit, na nagbibigay ng plataporma para sa mga lokal at bisita na tuklasin at pahalagahan ang eco-tourism at cultural heritage ng Isabela.
Layon nito na pasiglahin ang mas malalim na koneksyon sa pagitan ng komunidad at ng mga turista na sa adhikaing pagyamanin at makilala ang ecotourism landscape ng Isabela.Panulat ni Pat Wendy Rumbaoa
Source: PIO ISABELA