15.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

“Balete Pass National Shrine,” ang tanyag na landmark ng Nueva Vizcaya

Bawat biyahero na nagmumula o papasok sa Rehiyon Dos ay nakikita at nasisilayan ang tanyag na “Balete Pass” o mas kilala sa dati nitong pangalan na “Dalton Pass” na matatagpuan sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Sinasabing kapag nasilayan mo na ang malaking tore, ito na ang palatandaan na nasa Rehiyon Dos ka na dahil ito ang itinuturing na boundary ng probinsya ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya.

Ang makasaysayang “Balete Pass” sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya, isang mabato at matarik na lupain ng pinagsamang bulubundukin ng Sierra Madre at Caraballo.

Isa ito sa mga napakadugong teatro ng matinding labanan noong huling yugto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II.

Ang labanang ito ay taun-taon na ginugunita mula Mayo 10 hanggang 13 sa bisa ng Presidential Proclamation No. 653, s-1993, Setyembre 8, 1995, upang ipaalala sa mga mamamayan partikular sa mga kabataan ang kahalagahan ng demokrasya, kalayaan, kapayapaan, at pagmamahal sa bayan.

Ang lugar, na dating kilala bilang “Dalton Pass” ay binuo at naging tanyag bilang isang tourist spot sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Rodolfo Q. Agbayani na inalagaan at pinagbuti pa ng mga sumunod na gobernador.

Ito ay idineklara ng Gobyerno ng Pilipinas bilang “Balete Pass National Shrine” dahil sa House bill na inakda at masiglang itinulak ng noo’y Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Lone District Representative Carlos M. Padilla na kalaunan ay naipasa bilang R.A. 10796 noong Mayo 10, 2016.

Alinsunod sa nasabing batas at sa Memorandum of Agreement (MOA) na nilagdaan noong ika-11 ng Setyembre 2018 ni Gobernador Carlos M. Padilla ng Lalawigan ng Nueva Vizcaya, Mayor Liwayway C. Caramat ng Munisipyo ng Sta. Fe, Secretary Delfin N. Lorenzana ng Department of National Defense (DND), at Administrator Usec. Ernesto G. Carolina ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), ang epektibong kontrol at pangangasiwa sa nasabing Shrine ay inilipat sa PVAO-DND.

Bilang karagdagang atraksyon sa landmark, isang Zipline ang itinayo doon. Ang ilang mga kubo at pangunahing pasilidad para sa kaginhawahan ng mga bumibisita. Ang minimum na entrance fee rito ay Php10.00 sa bawat bisita. Samantala, ang isang kubo naman ay Php50.00 para sa unang 30 minuto at Zipline rides na Php200.00

Source: https://nuevavizcaya.gov.ph/pvao-features-balete-pass-national-shrine-governor-padilla/

Photos: Nueva Vizcaya tourism FB page; tracesofwar.com; tripadvisor.com

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles