Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang “Bakuna Eskwela” para sa mga mag-aaral ng City of Malolos Intergrated School- Santo Rosario, Malolos, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-11 ng Oktubre, 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Christian Natividad, Mayor ng nasabing lungsod, City Health Office Malolos at Department of Health katuwang sina Dra. Corazon I. Flores, MD, MPH, CESO Ill Director IV Central Luzon Center for Health Development, Dra. lreen R. Mendoza-Jimeneze, MD, FPPS, Medical Officer Ill at Ana Peralta, MD, FPOGS, Obstetrics and Gynecologist Specialist na tinalakay ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata.
Nabakunahan ang mga mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7 ng MR (Measles-Rubella) at Td (Tetanus-Diphtheria) vaccines, bilang proteksyon laban sa tigdas, rubella, tetano, at diphtheria. Bukod dito, ang mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 ay binigyan ng Human Papillomavirus Vaccine (HPV) na isang preventive measure sa cervical cancer.
Layunin ng programa na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan, mapalakas ang kanilang kalusugan, at masiguro ang kanilang tuloy-tuloy na pag-aaral nang walang hadlang mula sa mga karamdaman.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod ng Malolos sa iba’t ibang ahensya upang makapaghatid ng mga serbisyo, lalo na sa sektor ng kalusugan, at makapagbigay ng tulong sa mamamayan.