23.3 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Bahay Sambahan Alay ng Kapulisan sa Pangasinan

Ang taimtim at buong pusong panalangin para sa matagal na minimithi ng mga naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Sitio Pisi-Bato, San Nicolas, Pangasinan na Bahay Sambahan ay naibigay na nang kapulisan ng 104th Maneuver Company (MC) noong ika Pebrero 24, 2022.

Ang proyektong Bahay Sambahan ay pinangunahan ng Company Commander ng 104th MC, Police Captain ROMULO OCLARINO JR na siyang pangunahing naging kasangkapan ng Panginoon katuwang ang San Roque Power Corporation, ang Barangay Council ng San Felipe East, at mga mamayang may mabuting kalooban ay naisagawa ang magtagumpay na misyong makapagpatayo ng isang “Simple at Payak na Bahay Sambahan.”

Ang aktibidad ay dinaluhan ng Force Commander, Regional Mobile Force Battalion1 (RMFB1), Police Colonel ROEL SERMESE; Vice President ng San Roque Power Corporation, Tommy T Valdez; mga kapulisan ng Regional Community Affairs and Development Division; at ibat-ibang mga personalidad mula sa bayan ng San Nicolas.

Nasamahan rin ng pamamahagi ng mga ibat-ibang gulay, grocery items, solar lights, 5 cellphones na pantawag, mga pagkain, laruan, libreng gupit, at check-up ang naturang aktibidad.

Ang matagumpay na proyekto ito ay bahagi ng pinalakas na 5P’s Project (Pabahay, Patubig, Palikuran, Pantawag, at Pailaw) na pinahusay na inisiyatibo ng Regional Director ng Police Regional Office 1, Police Brigadier General, EMMANUEL PERALTA at buong sinuportahan ng Force Commander, RMFB1, Police Colonel SERMESE na naglalayong makatulong sa mga kapatid nating naninirahan sa mga malalayo at liblib na lugar.

Marami mang naging hamon mula sa pagpapatayo subalit ang kalooban ng Panginoon ang siyang nag-hari. Talaga naming ipinakita ng ating kapulisan ang pagiging maka-Diyos at makatao upang maisakatuparan ang Bahay Sambahan at maihatid ang nararapat na tulong sa ating kababayan na lubos na nangangailangan.

Naway magbigay inspirasyon ang Bahay Sambahan sa iba pa nating kababayan upang sa ganoon ay lalo pang lumapit at lumakas ang kapit nila sa ating Panginoon. Ang ating kapulisan ay kinasangkapan lang ng Panginoon upang maibigay ang isang biyaya na galling sa may kapal, sapagkat ano mang meron tayo at lakas ay alay natin sa ating Panginoon na may likha ng lahat.

Panulat ni Henry Z Marasigan

Reference: 104th Maneuver Company RMFB1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles