Nilamon ng apoy ang isang bahay sa Sito Dulduli, Poblacion, Hungduan, Ifugao nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2024.
Batay sa ulat, ang sunog ay nagsimula sa kusina na agad na kumalat sa bahay dahil sa gawa ito ng wooden at light materials structure.
Agad na tumugon ang mga tauhan ng Hungduan PNP, kasama ang Hungduan Fire Station, at mga boluntaryong miyembro ng komunidad para puksain ang nasabing sunog.
Wala naman naiulat na nasugatan at nasaktan sa insidente, habang nasa mahigit Php800,000.00 ang halaga ang naitalang pinsala.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng Hungduan PNP, na alalahanin ang mga fire precautionary measures upang miawasan ang sunog na pweding kumitil ng buhay.