25.1 C
Baguio City
Friday, January 24, 2025
spot_img

“Bahagketball” isinagawa sa Tadian, Mountain Province

Mountain Province – Suot-suot ang indigenous attires nang nakayapak ay masayang naglaro ang mga lokal na opisyal ng Tadian, Mountain Province sa isinagawang “Bahagketball” na ginanap sa Central School Grounds, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-4 ng Marso 2023.

Ang bahagketball ay isa sa naging tampok sa pagdiriwang ng Ayyoweng di Lambak ed Tadian Festival na may temang “Ilambakan Agyod ay Kaugalian: Baked ya Pegnad di kasin tako Bumikasan” na nag-umpisa noong ika-3 ng Marso taong kasalukuyan.

Ang nasabing laro ay pinangunahan ni Mayor Constito S. Masweng ng Tadian, Mountain Province kasama ang iba pang local officials.

Dagdag pa dito ay ang volleyball exhibition game naman ng mga kababaihan kung saan sila naman ay nakasuot ng “lamma” at “tapis,” at combative sports.

Tampok din sa pagdiriwang ang iba pang mga aktibidad gaya ng Street Dancing at Cultural Presentation, Sports Competition, Salibongbong at ang Giwaday.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles