Nabulabog ang mga residente ng lungsod ng Baguio dahil sa nangyaring sunog sa Baguio City Public Market Blocks 3 at 4 nito lamang bandang 11:00 ng gabi ng Sabado, Marso 11, 2023.
Agad namang rumesponde at nagtulungan ang Bureau of Fire and Protection, Baguio PNP, volunteers at private water companies upang malipol ang apoy.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa 1,700 stalls ang naapektuhan at natupok ng apoy at ito ang vegetable, poultry, fish, tiangge at wagwagan area.
Samantala, naideklara namang fire out ang sunog sa Baguio City Public Market bandang 4:38 ng madaling araw ng Linggo, ayon kay City Fire Marshal Superintendent Marisol Odiver.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.