Naghatid ng libreng kagamitan tulad ng bags at school supplies ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga mag-aaral ng St. Joseph Child Development Center nito lamang Martes, ika-28 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ni Hon Carmelo Lazatin Jr., City Mayor, kasama ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office, Gender and Development Office at City Nutrition.
Umabot sa 40 na bata ang nabigyan ng backpacks na naglalaman ng mga kagamitan sa pag-aaral, isang pares ng sapatos at medyas.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na uunahin ang edukasyon ng bawat Angeleño upang mapabuti at masiguro ang magandang kinabukasan ng lahat ng kabataan sa kanilang nasasakupan.