13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bagong Pilipinas Serbisyo-Fair, umarangkada

Umarangkada ang Bagong Pilipinas Serbisyo-Fair na ginanap sa Benguet State University sa La Trinidad, Benguet nito lamang ika-22 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng butihing Congressman ng Benguet na si Eric Yap at House Speaker Martin Romualdez.

Ang BPSF ang pinakamalaking government service caravan sa bansa na layuning ilapit ang mga Pilipino sa daan-daang serbisyo at programa ng pamahalaan kabilang ang Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood Program (SIBOL), Cash Assistance and Rice Distribution Program (CARD), at Integrated Scholarship and Incentive Program (ISIP).

Tinatayang 80,000 residente ng Benguet ang nabiyayaan ng tulong ng Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan at mahigit 300 na serbisyo ang inalok ng 70 participating agencies.

Ilan sa mga benepisyong natanggap ng mga residente ay ang cash assistance ng DSWD scholarship ng CHED. Handog din ng BPSF ang “Lab for All” para sa serbisyong medikal. Bukod pa rito, nag alok din ng libo-libung job vacancies ang BPSF.

Layunin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ilapit ang gobyerno sa mga tao, pagsasama-samahin sa iisang lugar ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at ang kanilang mga serbisyo sa sinumang gustong mag-avail ng mga pampublikong serbisyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles