15.8 C
Baguio City
Sunday, October 27, 2024
spot_img

Bagong Multi-Purpose Gymnasium ng St. Gregory Elementary School, pinasinayaan 

Pinangunahan ni Narvacan Ilocos Sur Mayor Pablito Sanidad ang inagurasyon ng Multi-Purpose Gymnasium ng St. Gregory Elementary School sa Brgy. Bantay Abot ng nabanggit na bayan nitong ika-11 ng Mayo ng kasalukuyang taon.  

Ang Multi-Purpose Gym, kasali ang mga iba pang modern buildings ay nagdagdag kagandahan sa nasabing paaralan.
 
Kaugnay nito, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Pablo Sanidad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur sa pangunguna ni Gob. Jerry Singson at Vice Gob. Ryan Singson sa kanilang pagmamahal, suporta at sa paglalaan ng pondo para sa St. Gregory Elementary School.

Sinabi ng ama ng bayan na malaking ginhawa para sa mga estudyante at mga guro ang nasabing pasilidad.
 
Kasama ng alkalde ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang si Vice-Mayor Caloy Valera, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng barangay at mga guro ng paaralan.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles