Inilunsad ng gobyerno ng Nueva Ecija ang bagong mobile application na naglalayong palakasin ang turismo sa probinsya nito lamang ika-31 ng Mayo 2022.
Pinahihintulutan ang mga gagamit nito na makilala ang mayaman na kasaysayan at magagandang destinasyon sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija.
Ayon kay Jose Marisa San Pedro, Tourism Officer, ang application na ito ay tinawag nilang “The Nueva Ecija Tourism”.
Ayon pa kay San Pedro, maaaring madownload ang nasabing application sa Android at IOS na gadget at maaaring gamitin kahit walang internet connection.
Dagdag pa ni San Pedro, maliban sa mga tourist destination, makikita din ang mga kainan at mga hotel na maaaring tirhan sa tuwing bibisita sa lugar.
Isa sa pinakamahalagang aspeto upang mabuhay ang ekonomiya ng isang lugar ay ang kanilang turismo.
Sa paglipas ng panahon, marami ng paraan upang mas makilala ang kagandahan ng isang lugar sa tulong ng mobile application.