Pinasinayaan ang mga bagong imprastraktura, kagamitan at sasakyan ng Pamahalaang Panglalawigan ng Pangasinan nitong Biyernes, Hunyo 17, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Gobernador Amado I. Espino III kung saan layunin nito na mabigyan ng agarang kagamitan at maayos na imprastraktura ang mamamayan ng Pangasinan upang mapabilis ang pagseserbisyo ng lungsod na kanilang nasasakupan.
Unang binasbasan ang Provincial Engineering Office (PEO) Central Warehouse Building, at PEO Building na parehong matatagpuan sa Motorpool Compound sa Capitol Complex.
Ang PEO Central Warehouse Building ay may lawak na 1,396.86 sq.m. na inumpisahang itayo noong Marso 2020 at natapos noong Disyembre 2021 habang ang PEO Building naman ay may lawak na 1,024.13 sq.m na natapos nito lamang Enero ngayong taon.
Kasabay nito, binasbasan din ang mga bagong sasakyan at kagamitan ng iba’t ibang opisina at hospital kabilang ang tatlong ambulansya na gagamitin ng Pangasinan Provincial Hospital, Bayambang District Hospital, at Mangatarem District Hospital; tatlong tonner forklift at tatlong cargo hauling trucks para sa Office of the Provincial Agriculturist; isang payloader para sa PEO; isang refrigerated truck at dalawang closed vans para sa Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO); at isang L-300 service vehicle para naman sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal at Department Heads kabilang sina Sangguniang Kabataan Provincial Federation President, Jerome Vic Espino; Provincial Administrator, Nimrod S. Camba; Provincial Governor’s Office Chief Administrative Officer, Irmina B. Francisco; Provincial Engineer, Antonieta Delos Santos; Provincial Librarian, Ma. Cybthia Encarnita F. Vila; Provincial Health Officer II, Anna Ma. Teresa D. De Guzman; Provincial Information Officer, Orpheus M. Velasco; Special Events Head, Marife Acerit; at Internal Auditor, Louie F. Ocampo.
Source: Province of Pangasinan