13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bagong gusali ng Army Artillery Regiment naipatayo sa Palayan, Nueva Ecija

Ipinahayag ng Department of Public (DPWH) and Highways na nakompleto na ang two-storey Officer’s Quarters ng Army Artillery Regiment (AAR) sa Fort Magsaysay, Palayan, Nueva Ecija nitong ika-25 ng Hunyo 2022.

Ayon kay Nueva Ecija 2nd District Engineer Elpidio Trinidad, ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Tatag ng Imprastruktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Program ng DPWH at Department of National Defense.

Sa kabuuan, higit Php8,000,000 ang halaga ng gusali.

Ayon pa kay Engr. Trinidad, ang imprastraktura ay makakapagbigay sa mga tauhan ng AAR ng komportable at maayos na opisina.

Samantala, pinasalamatan naman ni AAR Commander Colonel Francis Anthony Coronel ang mga stakeholders na naging daan upang makompleto ang nasabing proyekto.

Mula taong 2020-2021, labing anim na proyekto na ang naipatupad sa iba’t ibang yunit ng Philippine Army at nagkakahalaga ito ng Php478.8 milyong piso.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles