18.9 C
Baguio City
Wednesday, April 30, 2025
spot_img

Bagong bukas na daan at tulay, pinasinayaan ng PGC sa bayan ng Aparri

Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gob. Manuel Mamba ang proyektong bagong bukas na daan at tulay sa Barangay Bisagu, Aparri noong ika-29 ng Abril 2025.

Katuwang sa pagpapasinaya si barangay chairman Rolando Labbao ng Bisagu, mga department head ng Kapitolyo ng Cagayan, Chief of Hospitals, mga tauhan ng Provincial Office for People Empowerment (POPE), at Engineering Office.

Ang nasabing tulay ay isang 21 LM Reinforced Concrete Deck Girder (RCDG) Bridge na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng mahigit P24.6 milyon na magdurugtong sa mga barangay ng Bisagu at ng barangay Linao, Bulala Norte at Sur ng nasabing bayan.

Bukod pa rito, binuksan na rin ang 500 metrong daan na magkokonekta sa mga nabanggit na barangay kung saan unang nakongkreto ang halos 200 metrong farm to market road sa barangay Bisagu.

Ayon kay Engr. Kingston James Dela Cruz, Provincial Engineer, ang binuksang daan ay kokonekta sa bayan ng Ballesteros. Aniya kinakailangan lamang mapondohan pa ang natitirang dalawang tulay upang tuluyan na itong maikonekta sa bayan ng Ballesteros. Dagdag pa niya, ito ay para sa tuloy-tuloy na interconnectivity ng mga bayan na ninanais ni Gob. Mamba para sa paghahanda sa pagbubukas ng Port of Aparri.

Sa mensahe ng Ama ng Lalawigan, kanyang inihayag ang malaking papel ng Aparri lalo na ang International Seaport para sa pag-usbong ng ekonomiya hindi lamang sa Cagayan sa halip ay sa buong Northern Luzon.

Magpapatuloy ang paggawa ng mga proyektong ikauunlad ng lalawigan at upang may magamit ang mga susunod na henerasyon ng mga Cagayano.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles