19.8 C
Baguio City
Sunday, October 27, 2024
spot_img

Bacnotan People’s Caravan for Development Action 2023, isinagawa sa Barangay Bacsil

Sa pangunguna ni Mayor Divine Fontanilla, nagtungo sa Barangay Bacsil ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan upang isagawa ang taunang Bacnotan People’s Caravan for Development Action 2023: “Dur-as ti Barangay Umaymi Idar-ay.”

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng libreng gupit, libreng dental check-up, libreng tuli, pamamahagi ng grocery packs at iba pa na taos-pusong pinasalamatan ng mamamayan dahil labis nila itong napakinabangan.

Bukod sa mga serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa kanilang nasasakupan, tuloy-tuloy pa din ang pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection, gayundin ang Department of Health at Provincial Health Office upang mas mapalapit ang mga programang kanilang isasagawa sa mamamayan.

Samantala, patuloy pa din naman ang mga namumuno sa lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa pagsasagawa ng iba’t ibang programa, proyekto at aktibidad para sa ikabubuti ng kanilang munisipalidad.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles